|
GABAY NG DAYUHANG MANGGAGAWA SA KAHARIAN NG BAHRAIN
Ang Labour Market Regulatory Authority (LMRA) ay isang Independenteng Pampublikong Korporasyon na may lubos na pangagasiwa sa regulasyon ng merkado ng mga manggagawa sa Kaharian ng Bahrain upang makamtan ang kapaki-pakinabang na ugnayan tungo sa pagtataguyod sa karapatan ng kapwa manggagawa at pinaglilingkuran o kompanya.
Ayon sa Batas Bilang (19)(2006) hinggil sa mga alituntunin ng merkado ng mga manggagawa, ang LMRA ay may lubos na kapangyarihan sa paglalathala ng mga regulasyon at pagkakaloob ng mga lisensiya ng mga manggagawa, mga ahensiya na nangangalap ng mga dayuhang manggagawa sa Bahrain, mga tanggapan ng pangangasiwa at mga dayuhang nangangalakal at maypatrabaho sa Bahrain.
Ang tanggapang pang-legal ng LMRA ang siyang may responsibilidad tiyaking ang mga desisyon at batas ay napapairal at lahat ng mga ito ay alinsunod sa patas at maayos na pamamalakad.
Lubos na naniniwala ang LMRA sa halaga ng mga daan o tulay tungo sa kooperasyon nito sa mga manggagawa sapagkat sila ay mga pangunahing katambal sa merkado at pangangalakal.
Sa katapatan ng kanilang hangarin, inilathala ng LMRA ang mga sumusunod na gabay upang mabigyan ng linaw at liwanag ang lahat ng mga dayuhang manggagawa sa kanilang mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Batas Bilang (19) (2006).
Nais ng LMRA na ang mga gabay na ito ay maging daan upang ang lahat ng mga dayuhang manggagawa ay manatiling legal sa Bahrain ayon sa kanyang mga batas.
Mga Serbisyo ng LMRA sa Dayuhang Manggagawa:
- Pagkakaloob o pagpapalit ng panibagong lisensiya sa paggawa at pagsasaayos sa paglipat ng manggagawa mula sa kasalukuyang pinaglilingkuran o kompanya sa panibagong maypatrabaho/amo/ahensiya/kompanya.
- Pakikipag-ugnayan sa mga tanggapang may kinalaman at kapangyarihan sa pagbibigay o pagkakaloob ng lehitimong pananatili sa Bahrain, pahintulot makapasok at makabalik muli patungkol sa Bisa at CPR (Civil Personal Record) para sa dayuhang manggagawa at ang kanyang pamilya.
- Pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Pangkalusugan para sa pagtakda ng petsa o araw ng pagsusuri at pagbibigay ng Sertipikasyon sa isang manggagawa bilang patunay na siya ay malusog at may malakas na katawan, malaya sa sakit na nakakahawa at handang magtrabaho.
» Next: MGA MAHAHALAGANG PATNUBAY
|